Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 45 kilometers northeast ng bayan ng Hinatuan, alas-3:18 madaling araw ng Martes (August 18).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...