Sevilla Bridge, bukas na muli sa publiko

Inanunsiyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na bukas na muli ang Sevilla Bridge.

Ang 4-lane bridge sa bahagi ng San Juan River ay nagkokonekta sa Shaw Boulevard sa Burol, Mandaluyong City at P. Sanchez Street sa Sta. Mesa, Manila

“Now that the new Sevilla Bridge is open to the traveling public, it should help decongest traffic in Metro Manila and benefit the daily motorists,” pahayag ng kalihim.

Inisyal na binuksan ang nasabing tulay sa motoring public noong June 26, 2020 para sa mga lane papuntang Shaw Boulevard.

Kasunod ng pagsasara noong Marso, inayos ang tulay para bigyang daan ang konstruksyon sa Metro Manila Skyway Stage 3 project.

“The reconstruction of Sevilla Bridge also helps in ensuring the smooth flow of water in the San Juan River where it stands, resulting to flood mitigation in the area especially during rainy season,” dagdag pa ni Villar.

Read more...