Nagkaroon ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 8,755 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Lunes ng umaga (August 17).
Sa nasabing bilang, 8,680 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
8,654 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,036 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
6,255 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 363 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 10,358 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.