Nangangamba si Pangilinan na baka mapabagal pa ng ‘Big Brother’ role ng gobyerno sa diskarte ng mga lokal na pamahalaan.
Katuwiran niya, ang mga LGU ang nasa harapan ng ‘war on COVID 19’ dahil sila ang mas nakakaalam ng pangangailangan ng kanilang mamamayan.
“Kung hindi rin lang magbibigay ng dagdag na resources, huwag na sanang manghimasok pa ang mga opisyal ng national government,” aniya.
Samantala, naghain pa ng resolusyon si Hontiveros para mabusisi ng Senado ang pagtatalaga ng IATF ng mga miyembro ng Gabinete sa mga lungsod at bayan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan para bantayan ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan.
Katuwiran ni Hontiveros sa kanyang Senate Resolution No. 495, may mga ulat na ilang miyembro ng Gabinete ang nakikialam na sa diskarte ng LGUs.
Diin nito, marami sa mga miyembro ng IATF ay walang karanasan sa pamumuno ng lungsod o bayan at hindi rin sila masasabing eksperto sa public health.
Aniya, ang kailangan ng LGUs ay malinaw at komprehensibong plano o istratehiya para labanan ang nakakamatay na sakit.