Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 13,431

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (August 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 232 na bagong kaso kaya pumalo na sa 13,431 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,210
Laguna – 5,090
Batangas – 2,000
Rizal – 2,441
Quezon – 690

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 9,049.

Nasa 3,981 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 26 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 716
Laguna – 1,268
Batangas – 799
Rizal – 885
Quezon – 313

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng apat kaya umabot na sa 401 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 77
Laguna – 92
Batangas – 66
Rizal – 142
Quezon – 24

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...