Utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross, nasa P700-M pa
Mayroon pang P700 milyong utang ang PhilHealth sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test.
Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ng PhilHealth na noong nakalipas na araw ng Martes ay nagbayad sila ng P123 milyon na pagkakautang sa PRC.
Dahil dito, sinabi ng state health insurer na itutuloy pa rin ng Red Cross ang COVID test.
Natanggap lamang aniya nila ang panibagong listahan na nagdedetalye sa P700 million na unpaid balance noong Huwebes hanggang Sabado lamang.
Nauna nang nagbanta si Philippine Red Cross president at CEO Richard Gordon sa posibilidad na mahinto ang kanilang COVID-19 swab test service sakaling hindi mabayaran ng PhilHealth ang milyun-milyong utang nito sa kanila.
Nabatid na sa ngayon ang Philippine Red Cross ang may pinakamurang singil sa COVID-19 test na nagkakahalaga lamang ng P4,000.
Mas mura ito kung ikumpara sa P10,000 na singil ng ilang pribadong ospital para sa kanilang COVID-19 swab test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.