Ombudsman isinabit sa sabwatan sa MRT maintenance deal

By Den Macaranas March 01, 2016 - 07:27 PM

AL VITANGCOL / JANUARY 6, 2016 Al Vitangcol, former MRT general manager, attends a media forum at Club Filipino in San Juan City on Wednesday, January 6, 2016. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Tahasang inakusahan ni dating Metro Rail Transit (MRT3) General Manager Al Vitangcol ang Office of the Ombudsman na umano’y nakikipagsabwatan sa pamahalaan para itago ang ilang iregularidad sa nasabing rail system.

Ito’y makaraang ibasura ng Ombudsman ang kanyang isinumiteng “Motion to Allow Production of Material Evidence and Admissions by Adverse Party”.

Gusto ni Vitangcol na magkaroon siya ng access sa mga isinumiteng dokumento at pahayag ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at MRT kaugnay sa umano’y maanomalyang maintenance contract sa MRT3.

Ayon kay Vitangcol, “Kahit sino pong indibidwal, pwede pong kumuha kapag ito ay isang public document,  wala na po tayong magagawa diyan dahil, bakit po ang pamahalaang ito, ano po bang ikinakatakot nito na maibigay sa atin ang kopya ng mga affidavit?”

Ipinaliwanag pa ng dating opisyal na pare-pareho silang nagsumite ng mga dokumento ng mga DOTC at MRT officials subalit siya lang ang kinasuhan ng grfat kaugnay sa multi-million deal ng MRT sa PH Trams at CB&T.

Nauna nang sinabi ni Vitangcol na dapat ding imbestigahan ng Ombudsman sina dating DOTC Sec. Mar Roxas, Sec. Jun Abaya, Undersecretary for Legal Affairs Jose Lotilla at Usec. Rene Limacaoco dahil kasama sila sa mga lumagda sa naturang kontrata.

Bukod sa dating pinuno ng MRT sabit din sa graft charges sina PH Trams incorporators Arturo Soriano na tiyuhin ng asawa ni Vitangcol, PH Trams chairman Marlo Dela Cruz, Wilson De Vera, Manolo Maralit at Federico Remo.

TAGS: Abaya, DOTC, MRT, ombudsman, roxas, Abaya, DOTC, MRT, ombudsman, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.