386 Filipinos mula Lebanon, pauwi na ng Pilipinas

Padating na ang chartered repatriation flight ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Lebanon.

Ayon sa kagawaran, dadating ang Qatar Airways flight QR 3150 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Lunes ng hapon.

Lulan ng chartered flight ang 386 overseas Filipinos.

Sinabi ng DFA na kabilang si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga sasalubong sarepatriates.

Posibleng kasama rin sina Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay, Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, at DND Undersecretary Cesar Yano.

Sakay din sa arriving flight ang mga labi ng walong overseas Filipinos, kung saan ang apat ay nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut Port.

Read more...