Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:33 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Laguna at Rizal.
Heavy to intense rainshowers na may kidlat at malakas na hangin naman ang mararanasan sa Tarlac partikular sa Capas, Bamban, San Jose at Mayantoc.
Uulanin din ang Mabalacat at Porac, Pampanga; General Nakar at Tagkawayan, Quezon.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES