Panukala upang palawigin ang Estate Tax Amnesty lusot na sa komite sa kamara

By Erwin Aguilon August 17, 2020 - 11:39 AM

Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang panukala upang palawigin pa ng dalawang taon ang estate tax amnesty.

Sa pagdinig ng komite sinabi ng Bureau of Internal Revenue na mula 2019 hanggang June 2020 ay aabot lamang sa 23, 901 ang nag avail ng Estate Tax Amnesty at Tax Amnesty on Delinquencies.

Nasa P3.40B pa lamang ang naman ang nakokolekta ng BIR para sa estate tax delinquency habang P4.75B ang nakolekta para sa pagbabayad ng estate tax sa nasabing panahon.

Malayo pa ito sa target na P21B para sa tax amnesty on delinquencies at P6B para sa maghahain ng estate tax.

Kapag naging batas palalawigin pa ng dalawang taon ang amnesty para sa paghahain ng estate tax kung saan aamyendahan nito ang Republic Act RA 11213 o ang Tax Amnesty Act.

Tatagal lamang ang bisa ng batas ng dalawang taon matapos itong aprubahan ni Pangulong Duterte noong February 2019.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tax Amnesty on Delinquencies, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, House of Representatives, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tax Amnesty on Delinquencies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.