LRT, MRT-3 may paalala sa mga pasahero sa mandatory na pagsusuot ng face shield

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2020 - 09:58 AM

Sa nakatakdang muling pagbabalik sa biyahe ng LRT at MRT nagpaalala ang dalawang railway systems sa mga pasahero sa ipatutupad na mandatory na pagsusuot ng face shield.

Sa abiso ng LRTA, mahigpit na paiiralin ang “No Mask, No Face Shied, No Entry” sa lahat ng kanilang istasyon.

Ayon sa LRTA, para ito sa proteksyon at kaligtasan ng mga pasahero.

Ganito rin ang abiso ng pamunuan ng MRT-3.

Ayon sa abiso, hindi papapasukin sa loob ng istasyon at hindi pasasakayin ng tren ang mga pasaherong walang suot na face mask at face shield.

Habang mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasalita o pakikipag-usap sa loob ng mga tren.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LRTA, mandatory wearing of face shield, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT, News in the Philippines, no mask no face shield no entry, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, LRTA, mandatory wearing of face shield, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT, News in the Philippines, no mask no face shield no entry, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.