Global death toll sa COVID-19 mahigit 772,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2020 - 09:49 AM

Sumampa na sa mahigit 772,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 772,965 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 173,128.

Ang India na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming nasawi sa sakit matapos na maungusan ang death toll ng UK.

Sumampa naman na sa mahigit 107,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 56,700.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 107,879
Mexico – 56,757
India – 51,045
UK – 41,366
Italy – 35,396
France – 30,410
Spain – 28,617
Peru – 26,281
Iran – 19,639

Sumampa naman na sa mahigit 14.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.4 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, death toll, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, death toll, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.