3,000 mag-aaral sa private schools sasakupin din ng scholarship ng Pasig City LGU
Nakatakdang tumanggap din ng scholarship grant ang mga mag-aaral sa private schools sa Pasig City na maituturing na “indigent”.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19, marami ang nawalan ng trabaho kaya hirap silang makabayad sa mga pribadong paaralan kung saan pumapasok ang kanilang mga anak.
May mga pribadong paaralan din ang nanganganib na magsara na.
Dahil dito sinabi ni Sotto, na may mga estudyante sa private na inilipat ng public schools.
Ayon sa alkalde sa tulong ni Pasig City Rep. Roman Romulo, Pasig City VM Iyo Bernardo at buong Sanggunian Lungsod, nagpasa ng ordinansa para i-waive ang lahat ng regulatory fees na binabayaran ng private schools.
Ang Scholarship Fund ng LGU ay extended din sa 3,000 indigent private school students.
Sinabi ni Sotto na tutulungan sila ng pamunuan ng mga private school para matukoy ang mga estudyanteng beneficiaries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.