11 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City
Nakapagtala ng 11 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil dito, sumampa na sa 253 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lugsod.
Sa nasabing bilang, 119 ang aktibong kaso, 7 ang pumanaw, at 127 na ang naka-recover.
Ayon sa Baguio City LGU, mayroong mahigit 6,700 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine.
Mahigit 19,600 na residente naman ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.
Ang Baguio City LGU ay nakapagsagawa na ng mahigit 33,100 na Swab Test at mahigit 9,000 na Rapid Diagnostic Test.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong doble-kayod na ang kanilang contact tracing teams sa pagsasagawa ng contact identification, testing, isolation, quarantine, disinfection at medical protocols.
Agad ding naglalabas ng lockdown orders sa mga lugar na nagkakaroon ng bagong kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.