LPA sa Cagayan magiging bagyo sa susunod na 36 na oras; halos buong bansa apektado ng Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2020 - 05:39 AM

Magiging ganap na bagyo sa susunod na 36 na oras ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Cagayan.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 135 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurello, sa sandaling maging ganap na bagyo, papangalanan itong “Helen” ng PAGASA at maaring dumaan ito ng Batanes.

Samantala, ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Central Luzon ay nalusaw na kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Habagat naman ang nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa Habagat at LPA, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA, buong Visayas, Zamboanga Penisula, Northern Mindanao at Caraga Region ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Mindanao.

 

 

 

TAGS: #HelenPH, LPA, Pagasa, weather, #HelenPH, LPA, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.