Pinoy na co-director ng “Inside Out” personal na binati ng Pangulo

By Alvin Barcelona March 01, 2016 - 05:06 PM

Inside out
Disney

Nagparating ng pagbati ang Malacañang sa Pinoy co-director na nanalo sa Oscar awards sa Amerika.

Ginawa ito ng Palasyo matapos na manalo bilang Best Animated Film Feature ang pelikulang “Inside Out” na co-directed ng tubong-Cavite na si Ronnnie Del Carmen.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang pagwawagi ni Del Carmen ay pagpapakita ng talento at pagkamalikhain ng mga Filipino na kinikilala ngayon sa buong mundo.

Personal din na ipinarating ng Pangulo ang kanyang pagbati sa nasabing Pinoy.

Una nang inialay ni Del Carmen ang kanyang Oscars award sa kanyang mga magulang at sa mga tulad niya na Filipino na may pangarap sa buhay.

Sinabi pa ni Coloma na tunay na maipagmamalaki ang angking talino ng mga Pinoy hindi lamang sa larangan ng entertainment kundi maging sa sports, science at literature.

TAGS: Aquino, Inside Out, Malacañang, Oscars, Aquino, Inside Out, Malacañang, Oscars

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.