410 Filipinos mula Lebanon, pauwi na ng Pilipinas

By Angellic Jordan August 16, 2020 - 06:37 PM

Pauwi na ng Pilipinas ang 410 Filipinos mula sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na inaasahang aalis ng Rafic Hariri International Airport sa Beirut ang chartered flight bandang 11:10, Linggo ng gabi (August 16).

Kabilang din sa mga pauwing Filipino ang 20 nasugatan sa malakas na pagsabog sa Port of Beirut noong August 4.

Kasama rin sa biyahe ang mga labi ng apat na Filipinong nakasawi sa pagsabog.

Inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang repatriates sakay ng Qatar Airways flight QR 3150 bandang 1:25, Lunes ng hapon (August 17).

Sa ngayon, nasa 1,918 na ang kabuuang bilang ng mga Filipino na napauwi ng Pilipinas mula sa Lebanon.

Sinabi ng kagawaran na magkakaroon pa ng isa pang chartered flight mula sa Beirut para sa distressed Filipinos na nais makauwi ng Pilipinas.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Beirut sa numerong +961-5-953519 o via e-mail, [email protected].

TAGS: affected Filipinos by Beirut explosion, DFA, Inquirer News, OFW repatriation, Qatar Airways flight QR 3150, Radyo Inquirer news, Usec. Sarah Lou Arriola, affected Filipinos by Beirut explosion, DFA, Inquirer News, OFW repatriation, Qatar Airways flight QR 3150, Radyo Inquirer news, Usec. Sarah Lou Arriola

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.