Na-repatriate na overseas Filipinos, nasa 135,290 na

By Angellic Jordan August 16, 2020 - 05:45 PM

Umabot na sa 135,290 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang August 15.

Sinabi ng kagawaran na sa kabila ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ), napauwi pa rin ang 10,573 overseas Filipinos nitong nagdaang linggo.

Sa kabuuang bilang na 135,290, 52,639 o 38.9 porsyento ang sea-based habang 82,651 o 61.1 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

TAGS: COVID-19 response, DFA, Inquirer News, OFW repatriation, Radyo Inquirer news, repatriated overseas Filipinos, COVID-19 response, DFA, Inquirer News, OFW repatriation, Radyo Inquirer news, repatriated overseas Filipinos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.