Ulat na umalis ng bansa si Pangulong Duterte, hindi totoo – Palasyo

By Chona Yu August 16, 2020 - 04:52 PM

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang ang ulat na umalis ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte at nagpagamot sa Singapore.

Una rito, umugong ang balita na isinakay ang pangulo sa isang lear jet at dinala sa Singapore noong Sabado ng hapon, August 15, para sa isang emergency treatment.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang katotohanan ang balita dahil nasa Davao City lamang ang Pangulo.

“There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” pahayag ni Roque.

Naka-monitor lamang aniya ang Pangulo sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

“The Chief Executive is in the Philippines and closely monitoring the COVID-19 situation in the country,” pahayag ni Roque.

Umuwi sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte noong August 3 ng gabi bago naging epektibo ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Laguna.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.