TESDA, may alok na libreng training para sa mga nakasalamuha ng COVID-19 positive

Nag-aalok ng libreng training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa Contact Tracing Training Program para sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz, 15 araw na tatagal ang training.

“The new highly responsive program will run for 15 days, and will be administered via blended distance and face-to-face learning,” pahayag ni Bertiz.

Nakabuo na aniya ang TESDA ng core competency standards para sa training program.

Katuwang aniya ng TESDA ang Health Human Resources and Development Bureau ng Department of Health (DOH).

“In fact, we are already developing the online materials to be used for the program, which will be offered for free starting September,” pahayag ni Bertiz.

“We intend to initially train volunteers from local government units and large corporations as part of their contact tracing strategies,” dagdag ni Bertiz.

Kinakailangan aniya mayroong 10 taong basic education at magandang communication skills ang mga magvo-volunteer bilang contact tracers.

Read more...