Sen. Go makikipag-dayalogo sa medical community, business sector, NTF para mapaigting ang pagtugon sa COVID-19

By Chona Yu August 16, 2020 - 12:45 PM

Makikipag-dayalogo si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa medical community, business sector at National Task Force officials para ayusin kung paano pa mapapaigting ng pamahalaan ang pagtugon sa problema sa COVID-19.

Ayon kay Go, kung kinakailangan, nakahanda rin siyang maging tulay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Patuloy din po akong magsisilbing tulay ninyo sa Senado at sa Pangulo. I will not limit myself to being just a legislator. Handa po akong pumagitna. Sa katunayan, nandito po tayo ngayon sa hiling na rin ng ilang mga doktor na makipagdiskusyon,” pahayag ni Go.

Mahalaga ayon kay Go na magkaroon ng whole-of-nation approach sa COVID-19.

“Binibigyang-diin po namin ang inyong halaga, karanasan, at kaalaman sa laban na ito. Asahan ninyo po na laging handa ang pamahalaan ninyo para pakinggan ang inyong mga payo,” dagdag ni Go.

Sinabi pa ni Go na bukas si Pangulong Duterte na pakinggan ang suhestyon o payo ng mga eksperto.

“We are here to hear your inputs and recommendations, let us contribute and continue to help each other. Both the government and the private sector must work together and do what we can to address and respond to the threats of COVID-19,” pahayag ni Go.

“Personally po, I am not an expert. Kinikilala namin na kayo ang mga eksperto sa inyong mga larangan. Kaya, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para bigyan kayo ng boses sa ating pambansang estratehiya para labanan ang COVID-19. Kaya andito po tayo ngayon para magtulungan,” dagdag ni Go.

Si Go ang tumatayong chairman ng Senate Committee on Health.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, whole-of-nation approach on COVID-19, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, whole-of-nation approach on COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.