Magnitude 5 na lindol, tumama sa Batanes

(UPDATED) Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Batanes, Linggo ng umaga.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 40 kilometers Southeast ng Sabtang bandang 10:53 ng umaga.

May lalim ang lindol na isang kilometro at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 5 – Sabtang, Batanes
Intensity 4 – Uyugan, Ivana, Mahatao at Basco, Batanes
Intensity 3 – Itbayat, Batanes

Ngunit, paalala ng Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...