Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, sumampa na sa 2,800
Nadagdagan pa ng 44 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (August 15), 2,842 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
779 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,349 ang suspected cases.
178 namang pulis ang gumaling kung kaya umabot na sa 2,019 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nanatili naman sa 13 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.