Mga nahuling violators sa gitna ng MECQ sa Navotas City, higit 1,845 na

By Angellic Jordan August 15, 2020 - 06:56 PM

Lampas 1,800 na ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Sabado ng hapon (August 15), umabot sa kabuuang 1,845 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,543 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 110 katao naman ang lumabag sa curfew.

192 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, MECQ violators in Navotas, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, MECQ violators in Navotas, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.