15 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

Nasa 15 pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 15, umakyat na sa 9,893 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,326 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

19 naman ang bagong gumaling kung kaya 5,842 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, tatlo naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, 725 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,892 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,146 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 791 naman ang kaso sa Americas at 1,064 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...