Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa lauong 100 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 6:53 ng gabi.

128 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental Intensities:
Intensity 2 – Alabel, at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – City of General Santos

Wala namang naitalang pinsala sa Sarangani at ilang karatig-bayan.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...