Binabantayang LPA, malabong maging bagyo – PAGASA

By Angellic Jordan August 15, 2020 - 06:16 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

May isang binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz, huling namataan ang LPA sa layong 300 kilometers Silangang bahagi ng Infanta, Quezon.

Mababa naman aniya ang tsansa na lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Gayunman, patuloy pa rin aniyang magdadala ang sama ng panahon ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Bicol at ilang bahagi ng Katimugang Luzon.

Nakapaloob aniya ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nakakaapekto pa rin aniya ang ITCZ sa Visayas at Katimugang bahagi ng Luzon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, ITCZ, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update August 15, breaking news, Inquirer News, ITCZ, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update August 15

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.