Pagsusuot ng face shield, mandatory na sa mga papasok sa Camp Crame
Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng papasok sa Camp Crame sa Quezon City.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan na layon nitong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Umapela si Cascolan sa lahat na sundin ang ipinatutupad na health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
Gagawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa Camp Crame simula sa Lunes, August 17.
Samantala, nagpaalala naman si PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na epektibo pa rin ang ipinatupad ng PNP Headquarters Support Service na curfew sa loob ng headquarters mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.
Tanging ang mga pulis na naka-duty lamang aniya ang hindi kasama sa curfew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.