DFA consular office sa NCR-North, sarado sa August 19
By Angellic Jordan August 15, 2020 - 02:16 PM
Sarado ang Department of Foreign Affairs (DFA) Consular Office sa NCR-North (Robinsions Novaliches), Quezon City sa Miyerkules, August 19.
Ayon sa kagawaran, ito ay kasunod ng paggunita sa Quezon City Day alinsunod sa Republic Act No. 6741.
Magbabalik-operasyon naman ang CO NCR-North sa araw ng Huwebes, August 20.
Pinayuhan ang mga aplikante na may emergency concern na magpadala ng e-mail ng CO NCR-North sa: [email protected].
Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.