Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 763,000 na

Pumalo na sa mahigit 763,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 763,353 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 171,535.

Sumunod na rito ang Brazil na may 106,571 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 55,908 naman ang death toll sa Mexico habang 49,134 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,358
– Italy – 35,234
– France – 30,406
– Spain – 28,617
– Peru – 25,856
– Iran – 19,331
– Russia – 15,498
– Colombia – 14,492
– South Africa – 11,556
– Chile – 10,340

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 21,354,689 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 14,147,925 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...