Halos 48-oras na ang nakalilipas simula nang maganap ang insidente noong Linggo.
Ayon kay Monkayo police chief Supt. Jay Dema-ala, umaasa pa rin silang makukuha ng buhay ang tatlo.
Pero aminado si Dema-ala na wala pa rin silang nakikitang anomang bakas ng mga nawawalang minero na kinilalang sina Bryan at Richard Monson at Roel Dacaldacal.
Ito ay kahit pa humupa na ang baha sa loob ng 650-foot deep na minahan.
Ang tatlong nawawala ay kabilang sa labing dalawang minero na na-trap nang binaha ang tunnel noong Linggo.
Apat na ang naitalang nasawi na kinabibilangan ng tatlong minero at isang rescuer.
Habang ang animna iba pa ay nailigtas ayon kay Raul Villocino na provincial disaster chief ng Compostela Valley.
Ayon kay Dema-ala katuwang nila sa search and rescue operations ang mga tropa mula sa 10th Infantry Division ng Philippine Army.