Ilang probinsya sa Luzon, ilang bahagi ng Cebu isasailalim sa GCQ hanggang August 31

By Angellic Jordan August 15, 2020 - 12:37 PM

Isasailalim na sa general community quarantine ang ilang probinsya sa Luzon at ilang parte ng Cebu mula August 16 hanggang 31.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperon Harry Roque na kabilang sa mga ilalagay sa GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, at Quezon.

Maliban dito, iiral na rin ang GCQ sa Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion.

Ani Roque, iaanunsiyo naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, August 17, ang magiging quaranfine classifications sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Matatandaang binalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang limang nabanggit na lugar kasunod ng apela ng medical workers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Epektibo ang MECQ sa nasabing mga lugar hanggang August 18.

TAGS: areas under GCQ, areas under MECQ, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, quarantine classifications, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, areas under GCQ, areas under MECQ, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, quarantine classifications, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.