Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 8,406 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 8,406 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang araw ng Biyernes, August 14.

Sa nasabing bilang, 8,331 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

8,305 naman na kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,080 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit sa lungsod.

5,880 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 345 ang nasawi.

 

 

 

Read more...