Nagpatupad ng dagdag sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang kumpanyang Petron ngayong unang araw sa buwan ng Marso.
Sa abiso ng Petron, dagdag na P0.30 kada kilo ng kaniyang LPG ang ipinatupad epektibo ngayong umaga.
Katumbas ito ng dagdag na P3.30 sa kada 11-kilogram cylinder na LPG.
Samantala, sa parehong abiso, sinabi ng Petron na nagdagdag din sila P0.20 sa kada litro ng AutoLPG.
Paliwanag ng Petron, ang dagdag sa presyo ng kanilang produktong LPG ay kasunod ng paggalaw ng presyuhan sa International market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.