Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 110 kilometers southeast ng Governor Generoso, alas 7:23 ng gabi ng Biyernes, August 14.

May lalim na 131 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...