General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 07:56 PM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 25 kilometers northeast ng General Luna, alas 7:20 ng gabi ng Biyernes, August 14.
May lalim na 20 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.