Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 11,578

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (August 14, 3:00 PM) nakapagtala ng 307 na bagong kaso kaya pumalo na sa 11,578 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 2,405
Laguna – 4,526
Batangas – 1,755
Rizal – 2,268
Quezon – 624

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,612.

Nasa 3,599 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 26 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 529
Laguna – 1,253
Batangas – 727
Rizal – 820
Quezon – 270

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 367 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 64
Laguna – 90
Batangas – 58
Rizal – 133
Quezon – 22

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...