LPA magpapaulan sa Northern Luzon; malaking bahagi ng bansa apektado ng ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 06:17 PM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 170 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Samantala, apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.