China nag-donate ng P1M cash at PPEs para sa medical frontliners ng Pilipinas

Nagbigay ng P1 milyon cash at PPEs para sa medical frontliners ng Pilipinas ang China.

Sa pamamagitan ng Chinese Embassy sa Pilipinas, iniabot ang tulong na “token of appreciation” ng China sa mga health workers sa bansa na lumalaban sa COVID-19.

Mismong si Chinese Ambassador Huang Xilian ang nag-abot ng tulong sa mga kinatawan ng medical frontliners.

Tiniyak din ng embahada na patuloy ang suporta nito at tulong sa bansa.

“We firmly believe that the dawn of victory will come at the earliest,” ayon kay Huang.

 

 

Read more...