Rollback sa presyo ng petrolyo

Oil photo genericNagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes.

Epektibo alas 12:01 madaling araw ng Martes nagpatupad ng P0.70 na rollback sa kada litro ng gasolina, at P0.65 na rollback sa kada litro ng Diesel at Kerosene ang ipinatupad ng mga kumpanyang Shell, Petron, Chevron at Flying V.

Ang mga kumpanyang Seaoil, Eastern Petroleum at Flying V ay may parehong rollback sa kanilang gasoline at diesel habang wala namang paggalaw sa kerosene.

Samantala, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes may parehong halaga ng rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpanyang Phoenix Petroleum, Total at PTT./ Dona Dominguez – Cargullo

Read more...