LOOK: “BIDA ang may disiplina” campaign inilunsad ng DOH sa Marikina

Inilunsad sa Marikina City ang “BIDA ang may disiplina” campaign ng pamahalaan

Dumalo sa nasabing paglulunsad sina Health Sec. Francisco Duque III at si Usec. Jon Malaya ng DILG bilang kinatawan ni Sec. Eduardo Año.

Ang launching ng ‘BIDA ang may disiplina: Solusyon sa COVID-19’ ay ginawa sa Riverside, Marikina City.

Nagpasalamat naman ang DOH kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro at sa kanyang COVID-19 Response Team sa pagiging modelo nito sa pagsugpo ng virus sa LGU level.

Ang “BIDA ang may disiplina: Solusyon sa COVID-19” ay pinagsanib na kampanya ng DILG at DOH.

Layunin nito na mai-promote ang minimum health standards sa kumunidad.

Sa tulong ng BIDA Disiplina Brigade, ilalapit sa mamamayan ang kamalayan kung paano nila mapo-protektahan ang kanilang sarili laban sa virus.

 

 

Read more...