BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas 153,660 na; higit 6,000 ang nadagdag
Mahigit 6,000 muli ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (August 14), umabot na sa 153,660 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 79,813 ang aktibong kaso.
Sinabi ng DOH na 6,216 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.3 porsyento ang asymptomatic; 0.6 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 98 out of 103 licensed laboratories.
Nasa 16 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,442 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,038 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 71,405 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.