Guihulngan, Negros Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Negros Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers northwest ng bayan ng Guihulngan, alas-3:53 hapon ng Biyernes (August 14).

May lalim na 31 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...