Layon nitong mabigyan ng kuneksyon ang mga barangay sa naturang bayan na nasa malalayong lugar.
Isinagawa na ang groundbreaking ceremony para sa itatayong cell site sa Brgy. San Roque na pinangunahan ni Liloan Mayor Christina Frasco at mga kinatawan ng Globe.
“It’s high time we bring development to the high mountainous parts of Liloan, which is one of the most beautiful and very rich in resources here in our town. Let’s bring equal opportunity to them, the same opportunities our lowland barangays enjoy,” ayon kay Frasco.
Ayon naman kay Joel Agustin, Globe SVP for Program Development, Network Technical Group, makatutulong din ang itatayong cell site sa mga mag-aaral sa pagkakaroon ng blended learning.
“Our network roll out will eventually help Liloan to have more opportunities especially that it has begun to face the new normal with a headstrong attitude. The cell site will eventually help the students of Liloan face the challenges of blended learning in the new school year,” ayon naman kay Agustin.