Pagbubukas ng klase iniurong ng DepEd sa October 5

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 02:06 PM

Iniurong ng Department of Education (DepEd) sa October 5, 2020 ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.

Sa pahayag sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na ito ang naging rekomendasyon nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na inaprubahan naman ng pangulo.

Sa memorandum mula sa Office of the President inuurong na ang pagbubukas ng klase sa October 5.

“As per the memorandum, the President has given approval to the recommendation of DepEd. Thus, we will implement such a decision to defer school opening to October 5 pursuant to Republic Act No. 11480,” ayon sa pahayag ng DepEd.

Ang nalalabing panahon na wala pang klase ay gagamitin ng DepEd para paghandaan pa ang logistical limitations lalo na sa mga lugar na isinailalim sa MECQ.

Ang mga paaralan sa lugar na wala na sa MECQ ay inaatasang ituloy na ang mga orientations, dry runs, at paghahatid ng learning resources para matiyak na handa na sila pagdating ng October 5.

Ayon sa DepEd, ito na ang huling adjustment para sa school opening.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Opening of Classes, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Opening of Classes, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.