DOTr handa sakaling maibalik na sa GCQ ang Metro Manila

By Erwin Aguilon August 14, 2020 - 12:56 PM

Tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na marami pang mga public utility jeepney (PUJ) ang papayagan na makabiyahe sa oras na maibalik na sa GCQ ang Metro Manila.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Delgra na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagpupulong para sa pagdaragdag ng mga PUJs oras na bumalik sa GCQ ang NCR.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Steve Pastor na 4,600 units ng bus ang authorized sa Metro Manila.

Subalit, sa naturang bilang, tanging 3,662 ang nakakuha ng special permits habang ang nalalabi ay sumasailalim pa sa checking ng LTFRB kung sila ay compliant sa mga requirements.

Sinabi naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco na bagamat may mga restrictions pa ring ipinapatupad sa mga pasahero, nananatili namang operational ang lahat ng mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, handang-handa na rin ang ahensya para sa posibilidad na luwagan na ulit ang quarantine measures.

Ganito rin ang sitwasyon ng mga pantalan sa bansa kahit pa isinailalim sa modified enhanced community quarantine kamakailan, ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago.

Pagdating naman sa railway sector, sinabi ni Ces Lauta ng Philippine National Railway (PNR) na handa na rin silang magbalik sa kanilang operasyon.

Nakapagsagawa na rin aniya sila ng mga maintenance works sa mga tren at riles nang pansamantalang sinuspinde ulit ang public transport kamakailan.

 

 

TAGS: bus, dotr, Inquirer News, ltfrb, News in the Philippines, public transport, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bus, dotr, Inquirer News, ltfrb, News in the Philippines, public transport, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.