Global death toll sa COVID-19 mahigit 753,000 na

Sumampa na sa mahigit 753,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 753,451 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 170,415.

Ang India na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming nasawi sa sakit matapos na maungusan ang death toll ng UK.

Sumampa naman na sa mahigit 105,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 55,200.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 105,564
Mexico – 55,293
India – 48,144
UK – 41,347
Italy – 35,231
France – 30,388
Spain – 28,605
Peru – 21,713
Iran – 19,162

Sumampa naman na sa mahigit 13.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.4 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...