Ordinaryong sakit idinedeklarang COVID-19 ng ilang ospital para sa mas mataas na reimbursement – PhilHealth

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2020 - 11:36 AM

Nakatatanggap pa rin ng mga ulat ang PhilHealth na may mga ospital na idinedeklarang COVID-19 ang isang ordinaryong sakit.

Ginagawa ito ng ilang ospital para makakuha ng mas mataas na reimbursement sa PhilHealth.

Ayon sa PhilHealth mayroon ding mga report ng upcasing ng mga sakit.

“Ang PhilHealth ay patuloy na nakatatanggap ng reports ng upcasing ng mga sakit o kaya ay idinedeklarang COVID-19 ang mga kasong hindi naman COVID-19 para makakuha ng mas mataas na reimbursement,” ayon sa pahayag.

Kaugnay nito nagbabala ang PhilHealth sa mga ospital na gumagawa ng ganitong uri ng pandaraya.

Sinabi ng PhilHealth namay karampatang parusa sa ilalim ng batas ang ginagawang ito ng ilang ospital.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, HOSPITALS, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, reimbursement, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, HOSPITALS, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, reimbursement, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.