Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Biyernes (Aug. 14) ay 21,079,305 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng halos 3000,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,415,666 matapos makapagtala ng mahigit 55,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 59,000 bagong kaso habang mahigit 64,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,229,621
India – 2,459,613
Russia – 907,758
South Africa – 572,865
Mexico – 505,751
Peru – 498,555
Colombia – 433,805
Chile – 380,034
Spain – 379,799