Cabinet Secretary Karlo Nograles nais isailalim sa lockdown ang 25 barangay sa QC
Nais ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na magpatupad ng lockdown sa 25 mga barangay sa Quezon City.
Si Nograles ang miyembro ng gabinete na nakatalaga para sa COVID-19 response sa Quezon City.
Ayon kay Nograles, nais niyang maisailalimsa “special concern lockdowns” ang 25 mga barangay na pawang mataas ang bilang ng populasyon at mataas din ang kaso ng COVID-19.
Sa ngayon nagpapatupad na ang Quezon City government ng special concern lockdowns sa ilang lugar gaya ng Batasan Hills, Culiat, Fairview, Tatalon, Sauyo, Bahay Toro, Kamuning, Roxas, Bagbag, Baesa, at Kaligayahan.
Pero nais ni Nograles na tignan din ang sitwasyon sa Tandang Sora, Commonwealth, Holy Spirit, Novaliches Proper, Pasong Tamo, Crame, Payatas, Socorro, Matandang Balara, Pinyahan, at San Roque.
Ang Quezon City ay mayroong 8,240 na total confirmed cases ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.